Thank you to Silverpaj5 for creating a wonderful montage of one of my favorite love stories made for the silver screen. Watch the beautifully done video above.
Una sa lahat. Ang pogi ni Xiao Chen (he plays the role of Yin Xiang or the thirteenth brother) dito sa movie ha. Ewan ko ba, mas ok ang look niya na kalbo (this is a period drama/love story set during the Qing Dynasty) kaysa sa may buhok siya in reality. Wala siyang angle na panget dito.
Ang ganda ng role na binigay kay Dongyu Zhou dito who plays the role of Chen Xiang, a simple, kind-hearted maid who fell in love with Yin Xiang. Martir ang peg ni ate. As in!
Grabe akala ko parang magiging star-crossed lovers ang story ng dalawang ito. Akala ko pareho na lang silang matetepok in the end kasi sobra ang pinagdaanan ng dalawa lalo na si Chen Xiang. Believe me, while watching this film (past 12mn til almost 2am), ang bigat ng pakiramdam ko kasi parang hindi na matapos tapos ang kalbaryo ng dalawa courtesy of the ninth brother played by Zixiao Zhu and Chen Xiang's best friend played by Liying Zhao.
Naku ha yang si Liu Li, naturingan pa naman na best friend ni Chen Xiang pero sobra ang pasakit (both emotional and physical) ang ginawa niya kay Chen Xiang. Heto naman si Chen Xiang, pa-martir ang effect talaga.
Ang ganda ng scene nung may sky lanterns para hanapin si Chen Xiang ni Yin Xiang. Tapos sinabayan pa ng magandang musical scoring. Ay bongga!
Tapos heart-breaking yung scene kung saan pinatawag ng new emperor (the fourth brother) si Chen Xiang na after siyang purihin eh sinabihan na paghihiwalayin sila ni Yin Xiang na actually eh hinahanap nga siya. Yung scene na tumulo ang luha ni Chen Xiang. O ang saket!
And of course, the most romantic scene in the film: pumunta si Chen Xiang dun sa palace kung saan ni-detain si Yin Xiang before, not knowing na nandun pala siya at hinihintay siya. Kilig! Dito na nalaman ni Yin Xiang ang true identity ng kanyang true love. Shempre ang pogi pogi ni Yin Xiang dito.
Buti na lang may youtube at pwedeng ulit-ulitin kaso medyo sablay ang mga subtitles. Baka meron pang screening sa Screen Red channel.
