Monday, December 1, 2014

Ang Buwis na Kalbaryo... Bow..


Heto na nga ba ang sinasabi ko eh. Kaya ayaw ko dumarating ang bagong buwan kasi alam kong waiting game na naman sa BIR RDO 039.

Dumating ako dun ng mag-almost 10am para mag-file ng tax return. Pero apat na oras, yes in english, four hours, ako naghintay bago matawag ang numero ko. Dati rati, in 2 minutes, tapos ang pag-file, ngayon dahil sa bagong sistema at medyo matagal na processing at idagdag mo pa na medyo "jurassic" na yung ibang BIR collectors, umabot ako ng ganun katagal.

Tapos kanina yung isa dun, nagtaray pa. Aba aba, kasalanan nya ano, biro mo ba naman, sunod sunod na pinindot yung pindutan (pindutan siguro ngalan nun hindi ko alam eh) para mag-appear ang number sa ticker board. Eh di hayun, marami ang nagpuntahan sa counter niya. Tapos magsisisigaw siya na tinawag na raw yung numbers na yun. Nakuuuu!!! Buti na lang hindi ako ang nakaharap niya.

Hahaha tapos may isang tao dun na kitang kita ko naglagay ng pera (maraming P500 bills) sa isang manila envelope kasama ng mga papeles nya at ibinigay dun sa isang collector hahaha! #AlamNa.

Dapat magdagdag sila ng collectors, four counters lang ang nakalaan for tax return collection. Ewan ko bakit until now eh hindi pa rin pwede i-submit online ang mga eBIR forms na yan!

Manang Kim: Puro ka reklamo, etong para sa iyo! Bratatatatat...!

Til we meet again next month. Naku i-dagdag mo pa ang lecheng Quezon City Hall na yan para mangulimbat na naman ng business taxes sa pagpasok ng bagong taon. Isa pa rin kalbaryo yan. Ang nakakabwiset pa. Pupunta ako sa Step 2 for assessement tapos sasabihin lang sa akin na sa Step 3 na lang ako ma-a-assess ng tama kasi hindi nya alam paano i-assess ang taxes na babayaran ko. My gulay!! Inutil ang Step 2!

Bistek: Hello mga QC peeps, belat! Bayad kayo taxes ha, need ko alagaan ang mga iskwating eh.

(Photo credit to the owners)

No comments:

Post a Comment