Naglabas ng memorandun (na naman!) ang BIR kahapon na sinasabi na i-de-defer nila implementation ng e-filing ng withholding tax forms. Ang kaso broken ang link sa website nila. So walang nakakabasa ng memo. Hindi man lang ni-check ng nag-upload kung gumagana yung link! Masyado na-excite dahil holiday kinabukasan (which is today). So ang mga taxpayers, naiwan na naman sa ere. Sobrang katangahan at pagwawalang-bahala na iyan.
Thursday, April 9, 2015
BIR at eBIRForms not accessible
So hanggang ngayon hindi pa rin ma-access ang eBIRForms online facility. Inutil ang TSSD office ng BIR. Hindi maayos-ayos. Ano ngayon ang masasabi mo Henares? Mag-self-exile ka na. Isama mo na ang team ng TSSD. Nasaan yung pinagmamalaki mong biniling equipment para sa online facility ng BIR? Ano, gumagana ba?
Labels:
#mgainutil,
#mgatanga,
BIR,
eBIRForms,
Kim Henares,
TSPMD,
TSSD
Tuesday, April 7, 2015
BIR.... SaKIM!
Ano ba naman Kim Henares! Namumuro ka na sa akin ha. Malapit na ang deadline for submission ng 1601 forms pero down pa rin ang eBIRForms online facility ninyo.
At yang contact center mo na 981-8888, walang silbi. Kung hindi siya ring lang ng ring eh all circuits are busy now naman. Ano ba talaga?! Boss ako ng boss mo. Tandaan mo yan.
At nakakatawa talaga ang reasoning mo kung bakit hindi gagana ang eBIRForms sa Mac/Apple computers. Hindi porke mas marami ang gumagamit ng Windows eh wala ka nang pakialam sa mga Mac users. So ang gusto mo bumili muna sila ng computer na Windows ang OS? Tama ba? Ganyan ka talaga mag-isip?
At pwede, subukan mo tumawag sa contact center mo kung hindi ka manginig sa inis.
(Photo credits: Inquirer.net)
Monday, March 30, 2015
BIR at eBIR
Hay salamat at nakaraos din ako sa pagbayad ng income tax this year. Mahirap na makisabay sa Abril ano. I am sure parang palengke yan sa bangko.
Pero ano na naman itong nilabas na revenue regulation na dapat online na raw ang pagfi-file ng returns. Actually ok na ok yan pero bakit parang gusto nila na i-implement agad agad ito. Shempre kailangan ko pa mag-enroll at mag-submit ng requirements sa RDO ko. Tapos maghihintay pa ako ng ilang araw kung kailan nila i-a-activate ang account ko. Sana kung gusto nila gawin online lahat, aba sana tinodo na nila ano. Dapat pati submission ng additional requirements dapat online or through email na rin.
O ayan na naman si Ateng. May baril na naman para may angas. Todo make-up pa. #walangnagawaangmakeup
I am sure gusto mo lang naman maging maginhawa ang transaction namin sa mga RDO mo. Shempre naman, sino ba gusto pumila ng hindi bababa ng 2 oras para lang mag-file ng "no payment" return. Shempre online na pipiliin ko ano. Pero sana lang bigyan kami ng sapat na oras na mag-enroll at mag-register. Huwag naman sana i-apply yan ngayon busy tax season lalo na malapit na ang April 15, tapos may April 10 deadline pa para sa mga lecheng 1601 na yan.
Nasaan ang iyong puso? Nakain na ba ng mga zombie?
(Photo credits: Inquirer through localpulse.net)
Friday, March 27, 2015
Ang Big Mac
Peborit ko talaga ang Big Mac. Hindi siya malasa pero nakaka-adik siya. Nadala talaga ng dressing ang pagka-sarap.
Magkano na ba Big Mac ngayon? P125.00 ba?
I was rummaging through my stuff when I saw this discount coupon. Big Mac was priced at P26.00 in 1990. Tax was only 4%!
Dapat mag-throwback ang McDo at i-benta ang Big Mac ng P26.00 ulit or better yet since it's 2015, dapat P20.15 haha! Tiyak maraming magiging majubis niyan sa kamurahan.
(Photo is mine)
Tuesday, January 6, 2015
QC City Hall: Business Tax Payment
Hayyy salamat! Natapos ko rin ang steps 1-5 sa pag-renew ng business permit.
In fairness ha, I breezed thru steps 1 and 2. Sa Step 3 mabilis rin at take note hindi na ako na-rebill, meaning tama ang calculation ng dues ko sa step 2. Sa wakas! Kasi naman for the past 2 years, re-bill ako ng re-bill. Mali-mali computation daw nila kaya mas tumatagal ang paghihintay ko.
Bumagal lang sa step 4 kasi shempre may final final evaluation pa (final final kasi step 3 is final evaluation pero sa step 4 may checking pa ulit, sus!). Tapos mas bumagal kasi nagliliwaliw yung signatory na si Domingo yata yun. So hintay na naman kaming mga taxpayers. Natawa ako ng slight kanina sa step 4 kasi vini-video ng isang grupo ang processing the documents so shempre nakasama ako sa shot. Aba yung evaluator may pa-pindot pindot pa sa calculator niya na walang katuturan porke vini-video lang siya haha! Pero at least hindi ako na-rebill sa step 4 kasi last time nabalik ako sa step 3 dahil mali calculation.
Mas bumagal pa sa payment kasi two counters lang ang nag-po-process ng business taxes. Pero at least natapos ko yung first half ng kalbaryo. Second part naman yung sa locational clearance at fire safety inspection certificate, barangay clearance at eventually yung mayor's permit na. Baka sa Thursday ko na asikasuhin kasi konti pa lang ang tao sa city hall. Feeling ko next week na darami ang mga magpapa-renew.
May nakakatuwang incident kanina sa payment lounge. Kasi mayroon isang staff the city hall ang nag-a-announce ng susunod na numero na ma-process kahit may ticker board naman. Kasi pala yung ibang senior citizens na naghihintay ng turn nila eh nakakatulog or naiidlip sa kakahintay so nawawala tuloy ang flow. Wala lang, nakakatuwa lang talaga. Ang galing ni Ate dun. Minsan nag-jo-joke pa siya.
Step 1: 5 minutes
Step 2: 2 minutes (as in! ang bilis diba?!)
Step 3: 2 minutes lang din kaso may pila so about 10 minutes
Step 4: more than 30 minutes kasama na yung paghihintay sa signatory!
Step 5: matagal, more than an hour yata ako naghihintay para magbayad lang.
Bibigyan mo na nga sila ng pera aba paghihintayin ka pa. San ka pa.

![]() |
| Step 3 Final Evaluation (kuno!) Meron pang final final evaluation sa step 4. |

| Take note, kung di ka QC taxpayer at kahit QC taxpayer ka pero tumatambay ka lang dun, bawal ka uminom ng kape (hmp!) |
Step 2: 2 minutes (as in! ang bilis diba?!)
Step 3: 2 minutes lang din kaso may pila so about 10 minutes
Step 4: more than 30 minutes kasama na yung paghihintay sa signatory!
Step 5: matagal, more than an hour yata ako naghihintay para magbayad lang.
Bibigyan mo na nga sila ng pera aba paghihintayin ka pa. San ka pa.
Monday, January 5, 2015
BIR RDO 039
Dear Diary,
Pumunta ako sa BIR RDO 039 kanina para mag-file ng tax return. Dumating ako ng 9am. Kumuha ng number at na-accommodate ako 3pm. Wow! It's a record-breaking feat. Aba, apat na oras lang ang hinintay ko last month. Maghintay ng anim na oras na walang kainan ay isang skill. Ilalagay ko yan sa CV ko bilang strength. O ha!
Di ko maintindihan kung bakit hanggang ngayon eh hindi pa rin nila maayos ang sistema nila. Since October pa sila ganyan. Bakit hindi sila mag-hire ng temporary staff or mga OJT's para palitan ang mga tauhan nila na obviously eh hindi masyadong "internet savvy."
Yung parang head nila dun walang ginagawa. Pa-lakad lakad lang. Pa-sign sign lang ng papers na parang walang nakikitang mga taong namumuti na ang mga mata sa kakahintay ng turn nila ma-process ang papers nila.
Tatawag ako sa BIR hotline para mag-file ng complaint ulit kahit wala naman nangyari from the time na tumawag ako last month.
Next up, QC City Hall for business permit renewal. Isa pa itong kalbaryo since notorious ang QC City Hall sa pagpapahirap sa mga business owners. Hindi sagot ang kape sa vending machine sa taxpayers' lounge para maibsan ang paghihirap na dinaranas namin sa pag-renew.

Subscribe to:
Posts (Atom)