Ang Malas
Just the malas part of me.
Friday, June 2, 2017
Isang swapang na driver
Ang cute cute talaga ng driver ng SUV na ito. Biro mo, ayaw mag-share ng parking space. Sana inayos man lang diba?
Ang problema talaga sa mga Pinoy, hindi considerate.
Thursday, April 9, 2015
BIR at eBIRForms not accessible
So hanggang ngayon hindi pa rin ma-access ang eBIRForms online facility. Inutil ang TSSD office ng BIR. Hindi maayos-ayos. Ano ngayon ang masasabi mo Henares? Mag-self-exile ka na. Isama mo na ang team ng TSSD. Nasaan yung pinagmamalaki mong biniling equipment para sa online facility ng BIR? Ano, gumagana ba?
Naglabas ng memorandun (na naman!) ang BIR kahapon na sinasabi na i-de-defer nila implementation ng e-filing ng withholding tax forms. Ang kaso broken ang link sa website nila. So walang nakakabasa ng memo. Hindi man lang ni-check ng nag-upload kung gumagana yung link! Masyado na-excite dahil holiday kinabukasan (which is today). So ang mga taxpayers, naiwan na naman sa ere. Sobrang katangahan at pagwawalang-bahala na iyan.
Labels:
#mgainutil,
#mgatanga,
BIR,
eBIRForms,
Kim Henares,
TSPMD,
TSSD
Tuesday, April 7, 2015
BIR.... SaKIM!
Ano ba naman Kim Henares! Namumuro ka na sa akin ha. Malapit na ang deadline for submission ng 1601 forms pero down pa rin ang eBIRForms online facility ninyo.
At yang contact center mo na 981-8888, walang silbi. Kung hindi siya ring lang ng ring eh all circuits are busy now naman. Ano ba talaga?! Boss ako ng boss mo. Tandaan mo yan.
At nakakatawa talaga ang reasoning mo kung bakit hindi gagana ang eBIRForms sa Mac/Apple computers. Hindi porke mas marami ang gumagamit ng Windows eh wala ka nang pakialam sa mga Mac users. So ang gusto mo bumili muna sila ng computer na Windows ang OS? Tama ba? Ganyan ka talaga mag-isip?
At pwede, subukan mo tumawag sa contact center mo kung hindi ka manginig sa inis.
(Photo credits: Inquirer.net)
Monday, March 30, 2015
BIR at eBIR
Hay salamat at nakaraos din ako sa pagbayad ng income tax this year. Mahirap na makisabay sa Abril ano. I am sure parang palengke yan sa bangko.
Pero ano na naman itong nilabas na revenue regulation na dapat online na raw ang pagfi-file ng returns. Actually ok na ok yan pero bakit parang gusto nila na i-implement agad agad ito. Shempre kailangan ko pa mag-enroll at mag-submit ng requirements sa RDO ko. Tapos maghihintay pa ako ng ilang araw kung kailan nila i-a-activate ang account ko. Sana kung gusto nila gawin online lahat, aba sana tinodo na nila ano. Dapat pati submission ng additional requirements dapat online or through email na rin.
O ayan na naman si Ateng. May baril na naman para may angas. Todo make-up pa. #walangnagawaangmakeup
I am sure gusto mo lang naman maging maginhawa ang transaction namin sa mga RDO mo. Shempre naman, sino ba gusto pumila ng hindi bababa ng 2 oras para lang mag-file ng "no payment" return. Shempre online na pipiliin ko ano. Pero sana lang bigyan kami ng sapat na oras na mag-enroll at mag-register. Huwag naman sana i-apply yan ngayon busy tax season lalo na malapit na ang April 15, tapos may April 10 deadline pa para sa mga lecheng 1601 na yan.
Nasaan ang iyong puso? Nakain na ba ng mga zombie?
(Photo credits: Inquirer through localpulse.net)
Friday, March 27, 2015
Ang Big Mac
Peborit ko talaga ang Big Mac. Hindi siya malasa pero nakaka-adik siya. Nadala talaga ng dressing ang pagka-sarap.
Magkano na ba Big Mac ngayon? P125.00 ba?
I was rummaging through my stuff when I saw this discount coupon. Big Mac was priced at P26.00 in 1990. Tax was only 4%!
Dapat mag-throwback ang McDo at i-benta ang Big Mac ng P26.00 ulit or better yet since it's 2015, dapat P20.15 haha! Tiyak maraming magiging majubis niyan sa kamurahan.
(Photo is mine)
Subscribe to:
Posts (Atom)



