Tuesday, January 6, 2015

QC City Hall: Business Tax Payment

Hayyy salamat! Natapos ko rin ang steps 1-5 sa pag-renew ng business permit.

In fairness ha, I breezed thru steps 1 and 2. Sa Step 3 mabilis rin at take note hindi na ako na-rebill, meaning tama ang calculation ng dues ko sa step 2. Sa wakas! Kasi naman for the past 2 years, re-bill ako ng re-bill. Mali-mali computation daw nila kaya mas tumatagal ang paghihintay ko.

Step 3 Final Evaluation (kuno!) Meron pang final final evaluation sa step 4.

Bumagal lang sa step 4 kasi shempre may final final evaluation pa (final final kasi step 3 is final evaluation pero sa step 4 may checking pa ulit, sus!). Tapos mas bumagal kasi nagliliwaliw yung signatory na si Domingo yata yun. So hintay na naman kaming mga taxpayers. Natawa ako ng slight kanina sa step 4 kasi vini-video ng isang grupo ang processing the documents so shempre nakasama ako sa shot. Aba yung evaluator may pa-pindot pindot pa sa calculator niya na walang katuturan porke vini-video lang siya haha! Pero at least hindi ako na-rebill sa step 4 kasi last time nabalik ako sa step 3 dahil mali calculation.

Mas bumagal pa sa payment kasi two counters lang ang nag-po-process ng business taxes. Pero at least natapos ko yung first half ng kalbaryo. Second part naman yung sa locational clearance at fire safety inspection certificate, barangay clearance at eventually yung mayor's permit na. Baka sa Thursday ko na asikasuhin kasi konti pa lang ang tao sa city hall. Feeling ko next week na darami ang mga magpapa-renew.

May nakakatuwang incident kanina sa payment lounge. Kasi mayroon isang staff the city hall ang nag-a-announce ng susunod na numero na ma-process kahit may ticker board naman. Kasi pala yung ibang senior citizens na naghihintay ng turn nila eh nakakatulog or naiidlip sa kakahintay so nawawala tuloy ang flow. Wala lang, nakakatuwa lang talaga. Ang galing ni Ate dun. Minsan nag-jo-joke pa siya.

Take note, kung di ka QC taxpayer at kahit QC taxpayer ka pero tumatambay ka lang dun, bawal ka uminom ng kape (hmp!)
Step 1: 5 minutes
Step 2: 2 minutes (as in! ang bilis diba?!)
Step 3: 2 minutes lang din kaso may pila so about 10 minutes
Step 4: more than 30 minutes kasama na yung paghihintay sa signatory!
Step 5: matagal, more than an hour yata ako naghihintay para magbayad lang.

Bibigyan mo na nga sila ng pera aba paghihintayin ka pa. San ka pa.


No comments:

Post a Comment