Monday, March 30, 2015

BIR at eBIR

Hay salamat at nakaraos din ako sa pagbayad ng income tax this year. Mahirap na makisabay sa Abril ano. I am sure parang palengke yan sa bangko.

Pero ano na naman itong nilabas na revenue regulation na dapat online na raw ang pagfi-file ng returns. Actually ok na ok yan pero bakit parang gusto nila na i-implement agad agad ito. Shempre kailangan ko pa mag-enroll at mag-submit ng requirements sa RDO ko. Tapos maghihintay pa ako ng ilang araw kung kailan nila i-a-activate ang account ko.  Sana kung gusto nila gawin online lahat, aba sana tinodo na nila ano. Dapat pati submission ng additional requirements dapat online or through email na rin.




O ayan na naman si Ateng. May baril na naman para may angas. Todo make-up pa. #walangnagawaangmakeup

I am sure gusto mo lang naman maging maginhawa ang transaction namin sa mga RDO mo. Shempre naman, sino ba gusto pumila ng hindi bababa ng 2 oras para lang mag-file ng "no payment" return. Shempre online na pipiliin ko ano. Pero sana lang bigyan kami ng sapat na oras na mag-enroll at mag-register. Huwag naman sana i-apply yan ngayon busy tax season lalo na malapit na ang April 15, tapos may April 10 deadline pa para sa mga lecheng 1601 na yan.

Nasaan ang iyong puso? Nakain na ba ng mga zombie?

(Photo credits: Inquirer through localpulse.net)

No comments:

Post a Comment