Tuesday, April 7, 2015

BIR.... SaKIM!

Ano ba naman Kim Henares! Namumuro ka na sa akin ha. Malapit na ang deadline for submission ng 1601 forms pero down pa rin ang eBIRForms online facility ninyo.

At yang contact center mo na 981-8888, walang silbi. Kung hindi siya ring lang ng ring eh all circuits are busy now naman. Ano ba talaga?! Boss ako ng boss mo. Tandaan mo yan.

At nakakatawa talaga ang reasoning mo kung bakit hindi gagana ang eBIRForms sa Mac/Apple computers. Hindi porke mas marami ang gumagamit ng Windows eh wala ka nang pakialam sa mga Mac users. So ang gusto mo bumili muna sila ng computer na Windows ang OS? Tama ba? Ganyan ka talaga mag-isip?

At pwede, subukan mo tumawag sa contact center mo kung hindi ka manginig sa inis.


(Photo credits: Inquirer.net)

No comments:

Post a Comment